Archive

pamatay oras

this is the story i made for my subject, Malikhaing Pagsulat 10 (creative writing). and also i forgot to post this last weekend :< sorry. but anyway, here it is now. written in Filipino.

Madilim ang langit kahit lampas na ng alas otso ng umaga. Nagbabadya na naman ang malakas na pagbuhos ng ulan. Pusturang-pustura na si inay habang nakaupo naman si itay sa may tarangkahan ng bahay. Dinalhan ko siya ng mainit na kape noong alas sais pa lamang ngunit, hanggang ngayon ay hindi niya ito ginalaw. Nakatuon lamang ang kaniyang mga mata sa lugar na, kaylanman, ay hindi ko mararating. Limang taon na ata ang nakakaraan mula nang maospital si itay. Mula noon, parati na lamang namumugto ang mata niya. Pero sa isip ko, baka dala lang iyon ng naging sakit niya.

“Gisingin mo na ang kuya mo. Mauunahan na siya ng langgam sa hapag,” aniya ni inay. Pumanik ako sa kwarto ni kuya at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Pareho sila ni itay na nakatitig sa kawalan. Pero hindi katulad ni itay, ang mga mata ni kuya ay hindi namumugto. Lumapit ako sa kaniya at inayos ang wheelchair na pag-uupuan niya. “Nakahanda na ang agahan kuya,” sabi ko sa kanya. Walang imik si kuya, at hindi rin siya kumilos sa pagkakahiga. Maya-maya pa ay pumanik na din ang inay at pinababa na ako para asikasuhin si naman itay.
Tuwing umaga, ganito ang gawain namin ni inay. Salitan kami sa pagtulong kay itay at kuya sa pagbangon at pagkain. Pagkatapos ng klase ko sa buong araw, uuwi ako kagaad para may makasama sa bahay sina kuya. Sabi ni inay sa akin, sina kuya at itay ay maihahalintulad sa dalawang taong nakatira sa magkaibang isla. Hindi pwedeng puntahan ni itay si kuya dahil sa paralisado niyang katawan. Si kuya naman, bagama’t may gulong ang kanyang wheelchair, ay hindi namin nakitang makipag-usap kay itay. Ilang taon na ring ganito ang sitwasyon ng pamilya namin. Ang dinig kong sabi ng kapitbahay namin, may malas raw sa buhay namin. Pero hindi naniniwala si inay sa malas, kaya naman hindi rin ako naniwala.
“Tay, aalis na kami ni inay,” sambit ko sabay yuko sa kaniyang mga kamay para magmano. Tinawag akong muli ni inay nang nasa unang baiting na sila ng hagdanan ni kuya. Dali-dali akong pumanik para ibaba ang wheelchair. Binuhat naman ni inay si kuya hanggang makarating na sila sa kusina. Kinuha ko ang bolang ginagamit namin sa paglalaro ng basketball at saglit na tinawag ko si kuya, noong sandaling hawak ko ang bola, ngunit hindi niya ako nilingon. Ewan ko ba. Hindi naman paralisado ang buo niyang katawan, pero hindi niya ako nagawang lingunin.
Bumuhos na ang malakas na ulan at nagmadali na kaming umalis ni inay. Ayaw niyang mabasa ang damit ko para maganda raw tingnan sa kodakan. Malakas ang buhos ng ulan, na halos mapuno na ng tubig ang buong kalsada, kaya’t pinahubad ni inay ang rubber shoes ko. Mahihirapan daw kasi akong tumakbo at saka nakakahiya kung mabasa ito sa court. Dumating kami sa sports complex at hindi magkamayaw ang mga tao. Madami ring sasakyang pangmayaman ang nagkalat sa gilid nito. Tuwang-tuwa ang mga tambay sa tuwing nahahagip sila ng kamera. Pangarap daw kasi nilang makita sa tv.
“mamaya sa kodakan ngiti anak ha,” paalala ni inay. tinawag ako ni coach nang makita niya akong nagsusuot ng rubber shoes. Kaylangan na raw akong magwarm-up para mamaya pagdating ng bisita ay bibo kami sa paglalaro. Sumunod ako at nagpakitang gilas sa pagtakbo, pagdribble, pagpasa at pagshoot ng bola, hanggang sa magsimula na nga ang huling laro. Dati ko na itong ginagawa. Makailang-ulit na sa utak ko at kabisado ko na rin ang court. Pero hindi tulad ng dati, ngayon, hindi na kasing saya ang paglalaro ng basketball. Dalawang puntos ang lamang ng kalaban at ilang segundo na lang ang natitira. Isang 3-point shot lang ang katapat nito, isip ko. Nagtime-out si coach at hindi ko alam kung malas ba o swerteng ako ang titira ng tatlong puntos. Hindi ako magaling sa malayuang pagtira. Pakiramdam ko, hindi aabot ang kakahayan ko para ipasok ang bola sa ring. Kinakabahan ako at rinig ko ang pagtibok ng puso ko nang inilabas ko ang mga paa ko sa linya at buong tapang kong pinakawalan ang bola sa mga kamay ko. Naalala ko lahat; ang araw na maospital si itay at ang araw na maaksidente si kuya. Pero mas nangibabaw ang alaala ko noong tinuturuan nila akong magbasketball. Sa sandaling paghampas ng bola sa gilid ng ring ay ang sandaling paglukso ng aking damdamin. Hindi ko maipaliwanag, ngunit parang may tapik akong naramdaman. Tapik na nagbigay sa akin ng sigla at pag-asang manalo.
“No dream is too big,” ang sabi ng sikat na coach galing ibang bansa. Isa-isa niya kaming hinawakan sa palad na karaniwang gawain ng mga pulitiko. Hindi ko maintindihan kung bakit tirik ang kasiyahan ko noong hawakan niya ang kamay ng katabi ko. Kumaripas ako ng takbo paalis ng linya at dagling kinuha ang bola naming nila kuya. Tuwang-tuwa yung coach nang binigay ko yung bolang pinaka-iingatan ni itay. Pag-uwi ko ng bahay, ibinigay ko kaagad kay kuya ang bola at nagmano kay itay. Umalis si inay para mamalengke ng pananghalian naming. Ako naman ay pumanik sa itaas naming at pinagmasdan ang pagtila ng ulan. Hindi ko alam kung nanaginip ako noong mga sandaling yun, pero nadinig ko ang marahang salita at sandaling pagtawa nila kuya.

Advertisements

it’s been almost 1oo days since i stop conducting lessons in Rarejob. Well, things happen–shit happens.

i’m thinking of another part-time job. i was very happy when i got accepted at Rarejob last year. i was so excited and felt a bit independent cause now, i’ll be able to buy things for myself using my money. i manage my time and have my decision. yeah i felt really happy 🙂 🙂

then i met my students and even friends. yeah friends 😀 i won’t write your names here, they already know who they are. but now, i don’t know if they can still remember me. i’m just an ordinary tutor nothing “extraordinary” haha. i even commit mistakes and sometimes, i talk nonsensical things. there were times, i felt that i’m so immature talking to grown-ups on Skype. but indeed every lesson was a great experience. i miss some of my students whom i really like but they don’t like me haha. ironical.

i learned a lot. and i want to say thank you. thank you very much. *teary-eyed*

i think i’ll to stop being a “rarejobber.” yeah, i’ll try my luck to other part-time jobs out there.

–tutor ber.

P.S. to my students whose reading this now. well, out of nothing i made this story. it’s just a JOKE! haha 😀 see you 🙂 🙂 hope we’ll be able to talk some time in the near future.